Sa aming pag tanda, unawain at pag pasensyahan mo sana kami, anak. . .
Kung makatapon kami ng sabaw sa hapag kainan
O kaya makabasag ng pinggan
‘Wag mo naman sana kaming kagagalitan
Dala lang yun ng kalabuan ng mata at ng namamanhid naming mga daliri. . .
Pinagalitan ka man sa mga baso’t pinggang iyong nabasag noon bata ka pa,
Iyon ay dahil ayaw naming masugatan ka.
Kung ang mga sinasabi mo’y ‘di maintindihan at madinig
‘Wag mo naman sana kaming sabihan ng “Bingi!”
Humihina na talaga ang aming pandinig
Pakiulit lang nang malakas-lakas na ‘di naman kailangang sigawan
Upang tayo ay mag kaunawaan.
Kung mabagal na kaming mag lakad at ‘di na makasabay sa mabilis mong pag lakad
Paki antay sana at alalayan—mahihina na ang aming mga tuhod
Alalay na tulad sana nung mus mos ka pa at nag-aaral ka pa lang mag lakad
Tuwang tuwa ka naming pinag mamasdan.
Kung minsang makulit at paulit ulit ang aming sinabi na para ng sirang plaka,
‘Wag mo sana kaming pag tawanan o kainisan
Ganyan ka rin kakulit noong bata ka pa at nag-iiyak pa–
Kapag nag papabili ng kung anu ano’y di kami tinitigilan
Hangggang ang gusto mo’y di naibibigay.
Kung kinatatamaran namin na maligo at nag-aamoy lupa na
‘Wag mo naman sanang pan dirihan at piliting maligo. . .
Mahina na kasi ang aming katawan pag nalalamigan.
Natatandaan mo ba noong bata ka pa at kahit anung dungis mo
Ay masayang-masaya ka naming hinahalikan
At mat ’yagang hinahabol sa ilalim ng kama upang paliguan?
Kung palagi kaming masungit at nag sisisigaw
Dala na siguro ito ng pag kabagot sa bahay
At pagkadismaya na wala nang magawa at wala nang silbi.
Ipadama mo naman sana na may halaga pa rin kami sa mundo mo
Katulad ng pag papadama namin noon ng pag papahalaga
At pag tutuwid sa kamalian at katigasan ng iyong ulo.
Kung may konti ka mang panahon mag kwentuhan naman sana tayo. . .
Alam kong abala ka sa hanap buhay pero sabik na kaming makausap ka.
Gusto kong malaman mo na interesado pa rin kami sa mga kwento mo
Tulad n’ung pag bibida mo sa eskwela noong bata ka pa.
Na kahit pautal utal pa ang salita mo,
Nakikinig kaming masaya tungkol sa iyong mga laruan.
Kung kami man ay maihi o madumi sa higaaan dahil hindi na makabangon
‘Wag mo sanang pagagalitan o pandidirihan.
Katulad ng walang reklamo naming paggising nang kahit anong pagod sa gabi
Upang linisin at palitan ang iyong lampin para maginghawa kang makatulog
Hindi na baling kami ang mapuyat.
Kung kami’y maratay sa banig ng karamdaman
‘Wag mo sana kaming pag sawaang alagaan
Gayang mat’yaga naming pag-aalaga noong musmos ka pa.
Bawat daing mo noon ay hirap na dinadala sa aming kalooban
Pagt’yagaan mo naman sana kaming alagaan sa aming mga huling sandali
Kami naman ay di na rin mag tatagal.
At kapag dumating na ang takdang panahon ng aming pag harap sa Dakilang Lumikha. . .
Ibubulong at hihilingin ko sa Kanya.
Na pagpalain ka dahil naging mapagmahal at maalaga kang anak sa iyong ama’t ina.
🙂 Nakuha ko lamang ito mula sa Facebook ng aking kaibigan at sadyang dinurog nito ang aking puso.
Nawa`y mahalin natin ang ating mga magulang, sa oras na tayo ay nagagalit sa kanila, upang mawala ang inis na ating nadarama, ipikit lamang ang mata at bumalik sa nakaraan, kung saan ang paglalakad ay hindi pa natin alam, ang pabibilang ay hindi pa natin maintindihan, ang bawat sugat at sakit na sila ang gumagamot habang tayo`y pinagagalitan, sa bawat pagkakamali ay pilit tayong itinatama. Matuto nating patawarin ang ating mga magulang sa oras na sila ay nagkakamali, tandaan po natin na sila ay tao rin.
Laking pasalamat ko sa may kapal at binigyan ako ng mga magulang na mapagmahal at ginawa ang lahat ng makakaya upang maibigay ang pangangailangan namin. Sa kanilang pagtanda, hindi ko maipapangako ang marangyang pamumuhay, bagkus ang tanging maibibigay ko lamang ay angpagmamahalat pag intindi tulad ng ibinigay nila sa akin.
Anne 🙂
naiyak naman ako dun.. super natouch ako.. alam ko yung feeling ng ganyan.. alam mo yun.. yung feeling ng tumatanda at sana nauunawaan sila ng kanilang mga anak, dahil nung baby naman sila inuunawa naman sila… 😦
thanks kasi na appreciate mo ito 🙂