Ang vet kong love story :)

Lahat ng babae may ninanais na istorya para sa kanilang love story, yung iba naman dumedepende nalang sa mga katagang “bahala na” at “kung sino ibigay xa na yun” 🙂

Pero pano kung bigyan tayo ng pagkakataon ni God na gumawa o sumulat ng ninanais nating kwento para sa ating buhay pag ibig.  Ano ang hihilingin mo? Mala Cinderela story ba ang vet mo o mala snow white? Yung tipong kailangan mo pa ma food poison para makilala mo si prince charming  kaso matetegy kadin sa huli o kaya naman ay makaiwan ka pa ng sapatos tapos mapupulot ng stranger  pano kung mabaho pa yun o may butas na e di nakakahiya haha 🙂

Di ba kung pwede lang gayahin ang istorya nila gagawin natin, pero tila mas maganda kung gagawa tayo ng sariling atin 🙂

Simple lang naman ang nais ko, isang masaya at makulit na istorya. Hindi man perpekto ang bawat sandali mahalaga kasama sya, masaya o malungkot. Yung tipong napapautot kana sa kakatawa at tumutulo na yung sipon mo kakaiyak pero sasabihin nya sayo “mahal kita” ayeeeee 🙂

Haha 🙂 Gusto ko sya makilala sa hindi sinasadyang pagkakataon, yung tipong magkakatinginan kayo tapos ngingiti sya at hindi mo mapipigilang suklian ang kanyang mga ngiti.

Tapos sa pangalawang pagkakataon, magkikita kaming muli sa isang restaurant o kapihan 🙂 doon magkakaraoon kami ng pagkakataon na magtanungan ng pangalan at iba pang mga bagay na pwedeng pag usapan.  At syempre magbibigayan ng kanya kanyang numero o iba pa na  pwedeng magsilbing komunikasyon sa bawat isa.

At syempre sa oras na magkapalagayan ng loob, ayan na! haha 🙂 papasok na sa isang seryosong relasyon. Sabay kaming mangangarap ng buhay na ninanais namin hanggang pagtanda.

Sa hinaba haba nga naman ng prosisyon, sa altar din matutuloy.  Sino ba naman ang hindi mangangarap ikasal.  🙂 Nais ko`y simpleng kasalan ngunit hindi malilimutan.

Aba`y hindi naman pwedeng sa kasalan lang mahihinto ang lahat, nais ko rin magkaroon ng malulusog na anak, dapat kambal (demanding lang) mahirap daw manganak kaya dapat isahang hirap nalang.

Wala na siguro akong gustong hilingin kundi ang makasama sya hanggang pagtanda, yung tipong kahit maputi na buhok nyu at tumutunog na ang mga buto nyo nagagawa  paring magligawan na parang mga bata. Nakakatuwa nga ang kantang “Grow old with you”  by Adam Sandler : ang ganda ng ibig sabihin sa bawat linya.

I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you

I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you

ahahha kakakilig naman 🙂

Saya mangarap ng sariling love story, kung pagpapalain ng may kapal sana eto nalang ibigay nya. Isang simple at masayang buhay kasama ang taong nagmamahal ng tunay.

Ikaw anong love story ba ang vet mo? Isip na! anong malay mo yun din ang ibigay nya sayo 🙂

(⁀‵⁀,)♥ ♥ ♥
.`⋎´ ♥¸.•°*”˜˜”*°•. ♥
… ♥¸.•°*”˜˜”*°•. ♥ ♥
…•°*”˜˜”*°•˙·٠•●♥ anne ♥●•٠

2 thoughts on “Ang vet kong love story :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s