Napapadami ang kain natin kung may masarap na pagkain sa hapag at mga tao na masayang kasalo! Tomo bo? 🙂
Nang gabing yaon ay kasama ko ang aking mga ka- rotaractor at kaibigan na sina Dennis Calinisan, Asel Punzalan, Richard PunongBayan, Francis Gutierez, Ryan Bello at ang aming Rotarian na si Felimon Brazas Jr. Abay sino nga ba ang hindi mapapasarap sa pagkain kung eto ang tatambad sa iyong harapan:
Ayan ang tinatawag naming SET A: Ang mahiwagang sopas Ang masarap na sopas ni Gucci at Ryan na niluluto pa lamang ay nakakatakam na agad sa panlasa … ( Note: Pano hindi sasarap abay habang niluluto ni Gucci ang mahiwagang sopas, sinasabayan ito ng hindi mahulugang karayom na pag tipa ni Ryan sa keyboard, na para bang may pinaglalaban 🙂 )
Sa sarap nga`y hindi ko na mawari kung nakailang beses bumalik ang mga yaon sa sopas na iyan…. sadyang masarap naman talaga at kahit ako`y hindi ko mapigilang kumuha ng paulit ulit. 🙂
Ang dyosang si Dennis na walang humpay sa pagkain ng sopas 🙂
Syempre papahuli ba ang aming SET B: Ang Maarting Avocado Graham Cake. Ako at si Asel ang gumawa nyan! 🙂 Nung una`y sinasabi pa nilang hindi raw masarap ito, sabi lang nila yaon. Hahaha 🙂
Lahat ay nagulat dahil naging masarap ang kinalabasn ng imbentong graham cake , dahil nung una ay nais lamang naming durugin ang avocado gamit ang blender ngunit dahil sa wala akong nadala, pinasya na lamang naming lagyan ito ng malapot na gatas at konting asukal, bigla lamang naisipan ni asel na lagyan ng graham biscuit ito kaya…watah!!! Bomongga ang lasa at nakaimbento pa kami ng isang putahe 🙂
Ayan hindi naman halatang masarap hahahahah 🙂 nahingi pa ata si Gucci ?
At tila galit lang sa mundo si ryan …mamansin ka naman!!!! para po sa inyong kaalaman, hindi po sya namamansin mula magumpisa kaming kumain at hanggang sa matapos 🙂
go lang Mrs!!! 🙂 parang may pinaghuhugutan at pinaglalaban ka ah, wagas ka kung kumain 🙂
Si Asel na hindi makali sa pagkuha ng litrato sa maarting avocado graham cake.
🙂
Weeeeeeew! Pero ang hindi ko malilimutan ay ng pinagligpit nila ako ng kinainan namin 🙂 wagas ang dami ng plato 🙂 para bang fiestahan ang pinuntahan ko at tila dalawampung tao ang kumain 🙂 hahaha
Pero sa huli namay masaya ang lahat sa huling hapunang naganap, hindi ko talaga malilimutan ang Bundat Session na iyon. 🙂
🙂 Anne 🙂
OK lang yan. Informal Filipino naman to.
hahaha salamat master hokage 🙂
hahaha 🙂 like
grabe, may ganito? Eto ba yung itetext daw ako? Hmp.
sarap talaga ng kainan pag ganyan karami ang nakahain, kasabay pa ng mga kasama ring atat na sa paglamon! sulit!