Sa aking pag kakatanto nuo`y ang magagandang lugar sa Pilipinas ay nababase lamang kung ito ay nasa post card, tulad ng Chocolate Hills at Boracay. Ngunit dahil sa makating paa na aking taglay, ako`y nag mala dora na laging may dalang mapa 🙂 doon natuklasan ko na bawat sulok ng Pinas may natatagong simpleng ganda na hindi man kilala ay masasabing “wow! parang bora lang!”.
Isa na dito ang Lobo Beach. Saan lupalop ito matatagpuan? Ala e sa Batangas lang naman! haha
Ito ay matatanaw patungong tabing dagat 🙂 ganda di ba?
Ang simpleng beach na sadyang hindi mo iindahin ang araw bagkus nanaisin mong
lumangoy kahit masayang ang mga kahong kahong papaya soap haha 🙂
Syempre ang dahilan ng pag punta ko sa lugar na ito ay dahil sa aking kaibigan na si ate dennis,
dito lang naman sya nadistino, hindi po sya geologist o engineer, kundi isa sya Accountant (like me!)
Ika nga nya “teh nagmimina ako ng lungkot dito” haha kaya kailangan syang dalawin plus bonding pa.
Sa aking unang beses na pag gawi sa Lobo kasama ko ang aking kaibigang si toyo na
walang ginawa kundi ipakita ang kanyang taba hahaha
Ano Toyo natalo kaba sa pusoy o in between at parang nalugi ka sa pustura mong yan 🙂
Sadyang naging masaya at nakapag relax ako sa unang punta ko doon kasama ang
makukulit at kakaibang mga kaibigan.
Hang taray! Eto ang pinaka gusto kung litrato mula sa Lobo Beach. 🙂
Sa pangalawang pag kakataon, ang kasama ko naman ay si teh radz 🙂
Kuha ito bago mag bukang liwayway… sadyang nakaka aliw pagmasdan 🙂
Dinayo namin ang light house doon na nasa kabilang dako ng dagat.
Ang laki ng nakalagay na “PAUNAWA” na karatola, Bawal man hindi kami napigilang
magpakuha sa may hagdanan ng light house haha ^_^
Higit sa lahat ito ang aking unang beses na magpakuha ng naka planking,
kaya hindi ko ito malilimutan at hindi ako nag iisa kasama ko pa sila “triple planking” 🙂
Ang lugar tulad ng Lobo na natatago lamang ay sadyang sulit puntahan wag lang kalimutan ang sunblock.
Ang saya lang, hindi man Boracay o Pagudpod ang narating ng aking kakatihang paa,
nakatuklas naman ako ng lugar kung saan maari akong makapag relax kasama ang aking mga kaibigan.
Anne 🙂